Tuesday, March 6, 2012

Untitled

Minsan ang labo din talaga ng buhay. Pag di mo hinahanap ang isang bagay o tao, laging anjan, nagpaparamdam. Pero kung kelan mo naman kailangan, tago ng tago, ayaw magpakita. Nakakainis lang. Sobra. Alam mo yun, yung wala ka nang magagawa kungdi huminga ng malalim at pilit tanggapin na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo sa panahong gusto mo. Ang mahirap din kase, sa dinaaaaami-dami ng estudyante sa UST, sya lang ang hinahanap mo. Sana alam mo pangalan nya o cellphone number nya para pwede mong itanong kung san sya. Kaso wala e. Isa sa higit-kumulang apatnapu't-dalawang libong estudyante sa UST. Isa lang. Suntok sa buwan. Kagaguhan. Katangahan. Pero ganun talaga ata pag may gusto ka sa isang tao eno? Di ka lang nagmumukhang tanga, nagiging tanga ka talaga. Alam mo sino pa mas tanga sa taong naghahanap ng taong yun? Yung naiinlove sa taong di nya naman kilala. Ni nakausap, hindi.

Desperado ba? Hindi ah. Ewan. Baka. Oo. Ay ewan, basta.

So ano na? Ano na gagawin mo? Wag na lang sya isipin para magparamdam sya? Para makita mo at makasalubong ulit? Parang ang hirap naman nun. Pupunta ka sa UST disoras ng gabi, o magliliwaliw pagkatapos ng klase mo, tatambay hanggang abutan ng alas diyes ng gabi kase bakit, wala, trip mo lang? Di eh. Pumupunta ka dun kase gusto mo sya makita. Magpapagod ka pang pumunta ng campus kung wala ka namang gagawin dun. Tambay ka na lang sa dorm.
Eto, tanong ko sayo, pag nakita mo na sya, sabihin nating nakaupo sa ilalim ng isang puno sa lovers lane, magisa lang, ano gagawin mo? Dadaanan mo lang kase yun lang naman ang gusto mo diba? Ang makita sya. E pano kung yun na yung huling pagkakataon na makikita mo sya, at wala kang ginawa kungdi titigan sya, kiligin tapos umalis, mapapatawad mo ba sarili mo? Torpe. Hay.

Ang daming tanong eno? Wala ka namang mapagkunan ng sagot. Tae ang hirap! Ang hirap mainlove.

Oy hindi ako torpe ah. Hindi lang talaga ako nabibigyan ng pagkakataong maitanong kung ano ang pangalan nya, o kung anong year na sya. Last time ko syang nakita, exactly 7 days ago. Nagkatitigan lang kame. 1 week. And sa isang linggong yun, sya lang lagi kong iniisip. Sana pala nilapitan ko na sya. Siguro nahiya lang ako kase kasama ko blockmates ko nun. Pero pangako, pag binigyan ako ng Panginoon ng chance na makita sya ulit, pramis, hinding-hindi ko sasayangin yung pagkakataong yun. Peksman. Cross my heart and hope to die. Pero sa ngayon, ipagpapatuloy ko muna ang aking paghihintay sayo sa labas ng Main Building, sa mga benches sa Plaza Mayor, hanggat makita kita. Kahit na maubos ako ng mga lamok kakahintay, okay lang. Okay lang.


Nga pala, hindi ako yang taong yan, yung nagpapaka-martyr sa labas ng Main. Di ako yan. Hindi rin Bio student ng UST ang tinutukoy ng taong yan. Hay. Sana lang makita ka na ng taong yan. Feeling ko kase mababaliw na sya e. Haha k bye!

No comments:

Post a Comment